Kinatagpo sa Vientiane, noong Agosto 4, 2016 ni Punong Ministrong Thongloun Sisoulith ng Laos ang delegasyong komersyal na pinamumunuan ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Sa pagtatagpo, ipinaabot ni Gao ang pagbati mula kay Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang Laotian counterpart.
Ipinahayag ng dalawang panig na positibo ang Tsina at Laos sa bungang natamo ng dalawang bansa sa mapagkaibigang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Ipinahayag nila ang pag-asang tutupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, at lubusang mapapatingkad ang koordinadong papel ng Lupon ng Tsina at Laos sa Pagtutulungang Pangkabuhayan at Pangkalakalan, para pasulungin ang komprehensibong pagtutulungan ng dalawang bansa.
Inilahad ni Gao sa Punong Ministro ng Laos ang kongkretong kalagayan hinggil sa pagpapatupad sa nasabing komong palagay. Iniharap din niya ang ilang mungkahi hinggil sa pagpapabilis ng pag-uugnay sa pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Laos, pagpapalawak ng pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan, pagpapahigpit ng kooperasyong pangkabuhayan sa purok-hanggahan, pagpapasulong ng regional economic cooperation, at iba pa.