Sa Ika-19 na pulong ng mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN na idinaos sa Vientiane ng Laos, Miyerkules, Setyembre 7, 2016, pinagtibay ng mga kalahok ang pumapatnubay na prinsipyo hinggil sa hotline ng mga diplomata ng Tsina at mga bansang ASEAN para sa pagharap sa pangkagipitang pangyayari sa dagat.
Ang naturang hotline ay naglalayong ipagkaloob ang mabisa at mabilis na tsanel ng pag-uugnayan sa pagitan ng mga departamentong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN kung magaganap ang mga pangkagipitang pangyayari sa dagat at kailangan ang pagsasangkot ng mataas na antas.
Sa pamamagitan ng hotline, maaaring isagawa ng mga mataas na diplomata ng Tsina at mga bansang ASEAN ang direktang pagkokoordinahan hinggil sa mga pangkagipitang pangyayari para pigilan at kontrolin ang mga panganib, at talakayin ang mga katugong hakbangin para sa katatagan at kapayapaan ng South China Sea (SCS).
Ang pagkakatatag ng hotline ay lubos na nagpapakita ng hangarin ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagsasagawa ng mga aktuwal na kooperasyong pandagat sa pundasyon ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Ito rin ay nagpapakita ng determinasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN para magkasamang kontrolin ang mga panganib na pandagat at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng SCS.
Ang pagtatag ng hotline ay isa sa mga mungkahi na iniharap ng Tsina noong 2014 para isakatuparan ang DOC.