Inilabas Miyerkules, Setyembre 7, 2016, sa Vientiane ng Laos ng mga lider ng Tsina at mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang isang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapairal ng Code for Unplanned Encounters at Sea (CUES) in the South China Sea (SCS).
Ito ang isa sa mga mahalagang natamong bunga ng ika-19 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina (10+1).
Ang nasabing magkasanib na pahayag ay magkakaloob ng maliwanag na pamamatnubay sa mga pangkagipitang katugong hakbangin at istandardisadong pagsasagawa para hawakan ang unplanned encounters ng mga bapor at eroplano ng mga hukbo ng Tsina at mga bansang ASEAN sa SCS.
Ang nasabing magkasanib na pahayag ay nagpapakia ng matatag na determinasyon at malakas na hangarin ng Tsina at mga bansang ASEAN para pabutihin ang mga regulasyon, pagkontrol ng mga hidwaan, pagpigil ng mga panganib at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng SCS.
Ito rin ang magandang modelo para sa pagpigil ng panganib at pangangalaga sa katatagan sa mga rehiyong pandagat ng Asya-Pasipiko at buong daigdig.