Sa panahon ng Ika-19 na Summit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ngayong araw, Miyerkules, ika-7 ng Setyembre 2016, sa Vientiane, Laos, idinaos ng mga kalahok na lider ng Tsina at mga bansang ASEAN ang seremonya bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN.
Magkakasamang pinanood sa seremonya ng mga lider ang isang maikling dokumentaryo hinggil sa kasaysayan ng relasyong Sino-ASEAN. Ipinalabas ang booklet hinggil sa mga katotohanan at estadistika hinggil sa relasyong pandiyalogo ng dalawang panig. Hiniwa-hiwa rin nina Premyer Li, Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, ang isang malaking keyk.