Setyembre 9,2016—Kinatagpo sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Valentina Matviyenko, dumadalaw na Ispiker ng Council of Federation ng Rusya.
Sinabi ni Xi na dumalo kamakailan si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa G20 Summit na idinaos sa Tsina at nagkaroon sila ng ika-3 pagtatagpo sa taong ito, narating ng dalawang panig ang bagong komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at Rusya. Aniya pa, ang pag-unlad ng partnership na ito ay nagkakaloob ng mabuting karanasan para sa pagtatatag ng bagong pandaigdig na relasyong kung saan ang nukleo ang kooperasyong may win-win situation.Umaasa aniya siyang matatamo ng dalawang bansa sa mas maraming bunga ng pragmatikong kooperasyon.
Pinapurihan ni Matviyenko ang matagumpay na pagdaos ng G20 summit sa Hangzhou, Tsina. Aniya, nakahanda ang Rusya na maisakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. At nakahanda rin ang Council of Federation ng Rusya na mapalalim ang pagpapalitan ng Pambasang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislature ng Tsina.
salin:wle