Sa kanyang talumpati sa inawgurasyon ng China-Russia High Speed Railway Research Center at round-table meeting ng Tsina at Rusya sa high speed railway, na idinaos Hulyo 3, 2016 sa St.Petersburg, Rusya, ipinahayag ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina na bilang tampok sa pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa larangan ng transportasyon, nagiging mainam ang pundasyon ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa high speed railway. Aniya, noong 2015, nagtagumpay ang mga bahay-kalakal ng Tsina at Rusya sa pagbi-bid ng proyekto ng high speed railway, mula Moscow tungo sa Kazan, Rusya. Ito aniya'y hindi lamang kauna-unahang ganitong uri ng daambakal ng Rusya, kundi isang mahalagang bahagi ng konstruksyon ng high speed railway ng Tsina sa ibayong dagat.
Ipinahayag ni Liu na ang pagtatayo ng nasabing sentro ay hindi lamang angkop sa estratehiyang pangkaunlaran at pangmatagalang interes ng Tsina at Rusya, kundi magbibigay din ng suportang pansiyensiya at panteknolohiya sa pag-uugnay ng konstruksyon ng land-based na Silk Road Economic Belt ng Tsina at Unyong Pangkabuhayan ng Europa at Asya(Eurasian Economic Union, EEU).