Nasa Ika-3 China-Russian Expo Sina Wang Yang (ika-4 sa kaliwa, unang hanay), at Dmitri Rogozin (una sa kaliwa, unang hanay).
Nitong Miyerkules, Hulyo 14, 2016, sa Yekaterinburg — Magkasamang dumalo sa Ika-3 China-Russian Expo sina Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Presidente ng Panig Tsino sa Komisyon ng Regular na Pagtatagpo ng mga Punong Ministro ng Tsina at Rusya, at Dmitri Rogozin, Pangalawang Punong Ministro ng Rusya, at Presidente ng Panig Ruso ng naturang komisyon. Magkasama silang bumisita sa pabilyon, at nakipagtalakayan sa mga kinatawan mula sa may-kinalamang departamento at bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Wang na napakalaki ng potensyal ng pragmatikong kooperasyong Sino-Ruso, ngunit kailangan ding pag-ibayuhin ng pamahalaan at mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ang kanilang pagsisikap. Kaugnay nito, iniharap ng Premyer Tsino ang apat (4) na mungkahi: Una, dapat palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon para makalikha ng mas maraming demo projects; ikalawa, dapat palakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa larangan ng high-tech at inobasyon para mapahubog ang bagong puwersang tagapagpasulong sa pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa; ikatlo, dapat palalimin ang kooperasyon sa imprastruktura at logistics para mapasulong ang konektibidad; ikaapat, dapat palawakin ang kooperasyong agrikultural para maisakatuparan ang makabalanse at matatag na paglaki ng kalakalan ng mga produktong agrikultural ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Dmitri Rogozin na sa ngayon, ang relasyong Ruso-Sino ay nasa pinakamainam na panahon sa kasaysayan. Dapat aniyang ipagpatuloy ng dalawang bansa ang pag-aaral sa isa't-isa, at dapat ding palakasin ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Salin: Li Feng