Sa kanyang mensaheng pambati sa bagong hirang na Punong Ministro ng Kazakhstan na si Bakytzhan Sagintayev, ipinahayag ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina, na ang Tsina at Kazakhstan ay magkaibigang kapitbansa at komprehensibong estratehikong mag-partner na may mahigpit na kooperasyon. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Kazakhstan, dadag ni Li. Sa kasalukuyan, nananatili aniyang mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, humihigpit ang kooperasyon, sa iba't ibang larangan at lumalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ang bagong liderato ng Kazakhstan para ibayo pang mapalakas ang kooperasyon sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative; production capacity; at paglaban sa terorismo, separatismo, at ekstrimismo.
salin:wle