|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya na ipinakikita ng kasalukuyang situwasyon sa Korean Peninsula na dapat isagawa ng iba't-ibang bansa ang mas malikhaing katugong paraan, sa halip na pagpapataw ng walang humpay na sangsyon upang maiwasan ang anumang paglala sa situwasyon. Aniya, hindi pa panahon para itakwil ang mekanismo ng Six-Party Talks, at dapat hanapin ng iba't-ibang panig ang paraan ng pagpapanumbalik ng nasabing talastasan.
Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Setyembre 12, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula ay muling nagpakita ng kahalagahan at pangangailangan sa pagpapanumbalik muli ng Six-Party Talks. Ito aniya ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng mga may-kinalamang panig.
Dagdag pa ni Hua, sa mula't mula pa'y naninindigan ang panig Tsino na dapat lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |