Sa regular na preskong idinaos sa Beijing kahapon, Marso 17, 2016, ng Ministring Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa'y tinututulan ng Tsina ang pagsasagawa ng anumang bansa ng unilateral na sangsyon. Aniya, ang unilateral na sangsyong isinagawa ng anumang bansa ay hindi dapat makaapekto at makapinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng panig Tsino.
Winika ito ni Lu nang sagutin ang tanong tungkol sa bagong round ng unilateral na sangsyong isinagawa ng Amerika laban sa Hilagang Korea.
Ipinagdiinan din ni Lu ang tatlong punto: una, palagiang tinututulan ng Tsina ang pagsasagawa ng anumang bansa ng unilateral na sangsyon; ikalawa, sa kasalukuyang masalimuot at sensitibong situwasyon ng Korean Peninsula, tinututulan ng Tsina ang anumang aksyong posibleng ibayo pang makakapagpaigting sa situwasyong ito; ikatlo, maraming beses at malinaw na binigyang-diin ng Tsina na ang unilateral na sangsyong isinagawa ng anumang bansa ay hindi dapat makaapekto at makapinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng panig Tsino.
Salin: Li Feng