Sabado, ika-2 ng Abril 2016, nang dumalo sa Singapore Forum, ipinahayag ni Li Zhaoxing, dating Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat magkasamang pangalagaan ng Tsina at Amerika ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pragmatikong kooperasyon.
Ani Li, matatag ang pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano. May napakalaking komong interes ang dalawang bansa, at ito ay naging garantiya ng kanilang relasyon.
Tinukoy niyang madalas na bumatikos ang Amerika sa konstruksyon ng Tsina sa mga isla at pulo sa South China Sea. Sa katunayan, ang mga konstruksyon ay isinasagawa sa sariling teritoryo ng Tsina, at lehitimo ito. Aniya, bumatikos ang Amerika sa militarisasyon ng Tsina sa South China Sea, pero pikit-mata ito sa kilos ng mga kapitbansa ng Tsina na nagtatag ng paliparan at nagdeploy ng iba't ibang uri ng sandata sa mga isla at pulo ng Tsina na sinakop nila.
Nang mabanggit ang isyu ng Korean Peninsula, sinabi ni Li na napakasalimuot ng isyung ito, pero simple at malinaw ang paninindigan ng Tsina na dapat isakatuparan ang walang nuklear na Korean Peninsula. Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang nuclear test ng Hilagang Korea, samantalang umaasa itong magtitimpi ang iba't ibang panig, at hindi gagawa ng mga aksyong di-makakabuti sa kapayapaan, sa katwiran ng ilang isyu.
Salin: Vera