Sa panahon ng kanyang paglahok sa Ika-13 China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning, Tsina, ipinahayag kamakailan ni Pangalawang Punong Ministro Prachin Chantong ng Thailand, na mahalaga ang CAEXPO para sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Dahil aniya, mapapasulong nito ang kalakalan at pamumuhunan ng iba't ibang bansa.
Sinabi ni Chantong, na lumalaki ang saklaw ng CAEXPO, at ipinakikita nitong ang CAEXPO ay magiging isang mahalagang ekspo sa pandaigdig na antas. Dagdag niya, patuloy na makikipagtulungan sa Tsina ang iba't ibang bansang ASEAN, para ibayo pang bumuti ang CAEXPO.
Ipinahayag din ni Chantong, na sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Thailand. Umaasa siyang sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, palalawakin ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa sa mga aspekto ng turismo, pagmimina, pagkain, tradisyonal na gamot Tsino, at iba pa.
Salin: Liu Kai