|
||||||||
|
||
Tinukoy nitong Biyernes, Setyembre 16, 2016, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na ang labi ng Flight MH370 na natuklasan sa ilang bansang Aprikano na gaya ng Tanzania, ay nakakatulong sa pagbubunyag ng sanhi nito.
Sa kanyang pagdalo nang araw ring iyon sa isang selebrasyong idinaos sa Bintulu, ipinahayag niya na tiniyak na ng mga awtoridad, na ang dalawang piraso ay kumpirmadong bahagi ng nasabing nawawalang eroplano.
Ipinalalagay din niya na marami pang piraso ang nakita sa naturang rehiyon, ito'y patunay na tama ang kasalukuyang purok na pinaghahanapan. Patuloy aniyang isasagawa ng Malaysia ang search operation.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |