Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-15 ng Setyembre 2016, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na ang isang labi ng eroplano na natuklasan sa Tanzania ay kinumpirmang bahagi ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ni Liow, ang naturang labi ng eroplano ay natuklasan noong ika-20 ng Hunyo ng taong ito sa Pemba Island ng Tanzania. Ginawa kamakailan ng mga dalubhasa ng Australian Transport Safety Bureau ang pagsusuri at pag-aanalisa sa labing ito.
Ayon pa rin sa pahayag, ibayo pang aanalisahin ng mga dalubhasa ang labi, para makuha mula rito ang mga bagong impormasyon hinggil sa pangyayari ng MH370.
Salin: Liu Kai