Sinabi Biyernes, Setyembre 16, 2016, ni Darren Chester, Ministro ng Imprastruktura at Komunikasyon ng Australia, na ang pirasong natuklasan sa Tanzania noong Hunyo ng kasalukuyang taon, ay kumpirmadong magmula sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Sinabi ni Chester na ito ang ikalawang pirasong kumpirmadong bahagi ng MH370. Hanggang sa ngayon, hindi pa natiyak ang tunay na lokasyon ng nawawalanmg eroplano, at ang rehiyon ng South Indian Ocean ay nananatili pa ring pokus ng search operation.
Salin: Li Feng