Ayon sa Australian media Lunes, Setyembre 12, 2016, inilipat nang araw ring iyon ang isang pirasong pinaghihinalaang nagmula sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa Departamento ng Seguridad ng Transportasyon ng Australia para imbestigahan. Ang nasabing piraso ay mula sa cabin ng eroplano, at halatang may bakas ito ng pagkasunog. Kung matitiyak na ito nga ay nagmula sa Flight MH370, ito ang magiging unang paborableng katibayan sa posibleng nangyari sa loob ng cabin ng eroplano.
Ang naturang piraso ay natuklasan ng tatlong sibilyang lokal sa silangang baybaying-dagat ng Madagascar. Tapos ito'y napasakamay ni Brian Gibson, American adventurer na palaging nakasubaybay sa mga impormasyong may-kinalaman sa nawawalang eroplano. Kabilang sa 27 natuklasang pirasong pinagdududahang nagmula sa MH370, na natuklasan sa Mozambique, Madagascar, at iba pang lugar, 13 ang nakita ni Gibson.
Salin: Li Feng