Ipinahayag kamakailan ng Bangko Sentral ng Malaysiya o BSM na tinaya nilang mananatiling matatag ang pag-laki ng pambansang kabuhayan, kaya ipinasiya nilang pananatilihin sa 3% ang benchmark interest rate sa hinaharap.
Ipinahayagng BSM na kahit bumaba sa 4% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan nitong nagdaang ika-2 kuwarter ng taong ito, nananatiling pa ring malakas ang mga elemento sa pagpapasigla sa paglaki ng kabuhayan.
Ipinahayag naman ng BSM na mabilis na lumalaki ang konsumo ng indibiduwal at pamumuhunan sa loob ng bansa, samantala, nananatili sa 1.1% ang inflation rate. Kaya aniya, ang pangangailangang panloob ay mahalagang puwersa sa paglaki ng pambansang kabuhayan.