![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Isang deklarasyong pulitikal ang pinagtibay nitong Lunes, Setyembre 19, 2016, ng Summit for Refugees and Migrants ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN).
Sa deklarasyong ito, ginawa ng komunidad ng daigdig ang isang serye ng pangakong kinabibilangan ng pangangalaga sa karapatan ng mga refugees at migrants, pagkakaloob ng pagkatig sa mga bansang nakakatanggap ng mga refugees, pagpapahalaga sa ginagawang positibong ambag ng mga refugees, pagpapabuti sa makataong tulong, at iba pa.
Ayon sa deklarasyon, magkasamang isusulong ng komunidad ng daigdig at UN ang pagtatatag ng isang multilateral na komprehensibong balangkas tungkol sa problema sa refugees. Ito ay naglalayong harapin ang umiiral na malawakan at sapilitang paglikas ng mga tao. Bukod dito, sisimulan din ng komunidad ng daigdig ang isang prosesong pantalastasan sa pagitan ng mga pamahalaan upang balangkasin ang isang pandaigdigang kasunduang naglalayong pangalagaan ang ligtas, maayos at karaniwang paglipat ng mga tao sa taong 2018.
Sa nasabing summit, opisyal na nilagdaan nina Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN at Direktor-Heneral William Lacy Swing ng International Organization for Migration (IOM), ang "Kasunduan ng Relasyon sa Pagitan ng UN at IOM." Bunga nito, opisyal na sumapi ang IOM sa UN system.
Hanggang sa ngayon, ang naturang summit ang naging pinakamataas na pulong na idinaos ng UN tungkol sa isyu ng refugees at migrants.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |