|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "Philippine Daily Inquirer" nitong Martes, Setyembre 20, 2016, sapul nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong nagdaang Hunyo, ginagawa niya ang mga hakbang para ayusin ang relasyon sa Tsina. Sa kalagayang ito, unti-unting tumataas ang interes ng mga mamumuhunan at turistang Tsino sa Pilipinas.
Sa isang panayam noong Lunes, Setyembre 19, isiniwalat ni Francis Chua, Chairman Emeritus ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), na isang cruise ship na may lulang dalawang libong turista at mamumuhunang Tsino, ay darating ng Pilipinas sa malapit na hinaharap. Aniya, posible ito ang kauna-unahang beses na pagdating ng naturang malaking grupong Tsino sa Pilipinas.
Kinikilala rin niya na sa pamumuno ng bagong pamahalaang Pilipino, "mukhang maaayos" ang relasyong Sino-Pilipino. Ito ay makakapagbigay ng malaking benepisyo sa mga local enterprises ng Pilipinas, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |