Inulit kahapon, Lunes, ika-22 ng Agosto 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagtutol ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa anumang porma ng pananalita at aksyong nagpapasulong sa "pagsasarili ng Taiwan."
Nauna rito, hiniling di-umano ng Taiwan United Nations Alliance kay Tsai Ing-Wen, bagong lider ng Taiwan, na magpadala ng mensahe kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations, para hilingin ang pagsapi sa UN sa ngalan ng "Taiwan."
Bilang tugon, sinabi ni Lu, na ang UN ay isang inter-governmental organization na binubuo ng mga soberanong bansa, at magiging kasapi nito ang mga soberanong bansa lamang. Ani Lu, mayroong iisang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay bahagi ng Tsina. Dagdag niya, mabibigo ang anumang tangkang humamon sa prinsipyong isang Tsina, at manindigan sa "dalawang Tsina," o "isang Tsina, isang Taiwan."
Salin: Liu Kai