|
||||||||
|
||
Ang Bagan, lunsod sa gitna ng Myanmar, ay kilala sa mahigit 2 libong sinaunang pagoda na may ilang daan hanggang ilang libong taong kasaysayan. Sa isang 6.8 magnitude na lindol na naganap noong ika-24 ng nagdaang Agosto, mahigit 400 sa naturang mga pagoda ang nasira sa iba't ibang digri.
Pagkaraan nito, sinimulan ng Myanmar ang malaking proyekto ng pagkukumpuni sa mga nasirang pagoda. At batay sa kasunduan ng pamahalaan ng Tsina at Myanmar, magbibigay-tulong ang panig Tsino sa usaping ito.
Sa news briefing na idinaos noong ika-21 ng Setyembre, isinalaysay ng puno ng nabanggit na grupong Tsino, na sa loob ng nagdaang ilang araw, sinuri nila ang kalagayan ng 15 nasirang pagoda. Dagdag niya, ibinigay na ng mga dalubhasang Tsino sa Myanmar ang mga mungkahi hinggil sa pansamantalang pagsasaayos ng mga nasirang pagoda, at sa susunod, ibayo pa nilang ihaharap ang mga mungkahi hinggil sa pagkukumpuni.
Sa news briefing, ipinahayag naman ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na ipinagkaloob na at patuloy na ipagkakaloob ng panig Tsino ang mga tulong na pondo at materyal sa Myanmar, para sa pagkukumpuni ng mga nasirang pagoda sa Bagan.
Dhammayazika Pagoda, na nasira sa taluktok
Isang pagoda na nasa ilalim ng pansamantalang hakbangin ng proteksyon at pagsasaayos
Tayok Pye Pagoda, na nasira rin sa taluktok
Sinusuri ng mga dalubhasang Tsino ang isang pagoda
Sinusuri ng isang dalubhasang Tsino ang siwang sa pader ng pagoda
Kinuha ng dalawang dalubhasang Tsino ang nahulog na bahagi ng pader. Aanalisahin ang mga sangkap nito, upang muling gawin ang kaparehong bahagi, para sa pagkukumpuni
Mga siwang sa pader ng pagoda
Sinusuri ng isang dalubhasang Tsino kung gaano katibay ang pader, sa pamamagitan ng portable device
News briefing hinggil sa pagbibigay-tulong ng panig Tsino sa pagkukumpuni ng mga nasirang pagoda sa Bagan
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |