|
||||||||
|
||
Ipinahayag Huwebes, Setyembre 22, 2016 ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng United Nations (UN) na isang komboy ng makataong tulong ang dumating na sa kinukubkob na Moadamiyeh, siyudad na kanugnog ng Damascus, kabisera ng Syria.
Ang nasabing pinakahuling makataong tulong ay galing sa UN at Syrian Arab Red Crescent (SARC). Kabilang sa mga makataong tulong ay pagkain, tubig na maiinom, suplay na medikal, suplay ng sanitasyon at iba pa.
Kasalukuyang 35,000 residenteng lokal ang nananatili sa Moadamiyeh.
Napanumbalik ang paghahatid ng mga materyal na panaklolo sa Syria makaraang maisakatuparan ang pambansang tigil-putukan simula noong Setyembre 12, batay sa kasunduang narating sa pagitan ng Estados Unidos at Rusya.
Ang tigil-putukan ay inaasahang magpapaginhawa sa paghahatid ng mga kailangang-kailangang tulong. Inaasahan din itong muling magpapaalab sa pagpupursige para makapagtalastasan ang mga nagtatalunang panig at marating ang kalutusang pulitikal sa krisis ng Syria na nagsimula noong Marso, 2011.
Mga residenteng lokal habang dumadaan sa aid convoy sa Moadamiyeh, siyudad na kanugnog ng Damascus, kabisera ng Syria, Sept. 22, 2016. (Xinhua/Ammar)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |