|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na dalawang araw, ang footage ng isang batang lalaki na iniligtas sa isang airstrike sa Aleppo, Syria, ay mabilis na lumalaganap sa social media.
Si Omran Daqneesh
Sa mga inilabas na litrato at video, ang 5 taong gulang na bata na si Omran Daqneesh ay umupo nang walang-kibo sa ambulansiya. Napuno ng dugo at alikabok ang kanyang ulo at katawan. Hindi siya humagulgol sa buong proseso ng pagliligtas, sa halip, tahimik siyang nagmasid ng pagliligtas ng mga tauhang medikal ng ibang bata.
Ayon sa impormasyon ng paksyong oposisyon at mga tauhang medikal ng Syria, ang nasabing airstrike ay ikinamatay ng di-kukulangin sa 8 katao at ikinasugat ng ilan sa lokalidad. Kabilang sa mga nasawi ay may 5 bata.
Ngayong araw, ika-19 ng Agosto, ang World Humanitarian Day. Sa bisperas ng okasyong ito, matinding nanawagan Huwebes, ika-18 ng Agosto, ni Staffan de Mistura, Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa isyu ng Syria, sa iba't ibang nagsasagupaang paksyon ng Syria na isagawa ang 48-oras na tigil-putukan sa Aleppo, upang magkaloob ng ginhawa para sa pagpasok ng makataong saklolo sa nakablokeyong pook.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |