Nagkasundo kahapon, Sabado, ika-10 ng Setyembre 2016, sa Geneva, sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, hinggil sa tigil-putukan ng iba't ibang nagsasagupaang panig ng Syria.
Ayon sa plano, simula bukas, ika-12 ng Setyembre, ititigil ng tropa ng Syria ang air raid sa mga armadong grupo ng paksyong oposisyon. Ititigil naman ng mga armadong grupo ng paksyong oposisyon ang pag-atake sa mga target sa pamahalaan, at puputulin ang pakikipag-ugnay sa mga organisasyong teroristiko sa loob ng Syria. Kung tatagal ng 7 araw ang bagong tigil-putukan, palalakasin ng Amerika at Rusya ang kooperasyong militar sa Syria, na kinabibilangan ng magkakasamang pagbibigay-dagok sa mga organisasyong teroristiko.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng pamahalaan ng Syria ang pagkatig sa naturang plano ng tigil-putukan. Nagpahayag naman ng pagtanggap dito ang United Nations, Unyong Europeo, Britanya, at Turkey. Umaasa silang mapapasulong nito ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Syria.
Salin: Liu Kai