Pinagtibay Biyernes, Ika-23 ng Setyembre, ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagbubukas sa paglagda sa Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty (CTBT).
Inulit ng resolusyon ang buong tatag na pagtalima sa nasabing tratado. Nanawagan din ang UNSC sa lahat ng mga may kinalamang panig na lumagda sa CTBT para magkabisa ito sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na bilang bansang signataryo sa CTBT, patuloy na susundin ng Tsina ang tratado at magsisikap din ito, kasama ang ibang mga panig para mapauslong ang pagkakabisa nito sa lalong madaling panahon.
Noong ika-24 ng Setyembre, 1996, pinagtibay ng UN General Assembly ang CTBT at nang taon ring iyon, nagbukas ito sa paglagda. Pero, hindi pa rin nagkabisa ang tratado dahil hindi pa lumagda rito ang ilang bansa.
Salin: Jade