Sa regular na news briefing, Setyembre 23, 2016, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang International Civil Aviation Organization(ICAO)ay isang organisasyon ng United Nations, kaya, ang mga soberanong bansa lamang ay maaaring lumahok sa mga aktibidad ng ICAO, at ang Taiwan ay walang karapatan.
Aniya, ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina, kaya, dapat hawakan ang ganitong mga isyu sa pamamagitan ng pagsasangunian ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits sa paunang kondisyon ng pananangan sa patakarang isang Tsina.
salin:wle