|
||||||||
|
||
Kaugnay ng talumpati ng bagong halal na lider ng awtoridad ng Taiwan ngayong araw, Mayo 20, 2016, ipinalabas ng People's Daily ang komentaryong pinamagatang "Dapat Pangalagaan ang Pundasyong Pulitikal ng Mapayapang Pag-unlad ng Relasyon ng Magkabilang Pampang."
Anang komentaryo, kahit binanggit ng talumpati ng bagong lider ng awtoridad ng Taiwan sa inagurasyon ang patuloy na pagpapasulong sa mapayapa at matatag na pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang, tikis na iniwasan niya ang nukleong nilalaman ng "1992 Consensus," at di-malinaw ang pakikitungo niya sa pundamental na esensya ng relasyon ng magkabilang pampang.
Anang komentaryo, nitong nakalips na 8 taon, ang susi ng pagsasakatuparan ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ay nakasalaylay sa paggigiit ng kapuwa panig sa "1992 Consensus." Nilinaw ng "1992 Consensus" ang saligang esensya ng relasyon ng magkabilang pampang, at pinatunayang ang Mainland at Taiwan ay kapuwa nabibilang sa isang Tsina. Kapuwa kinilala at kinumpirma ng mga lider ng magkabilang pampang ang naturang consensus, at nagsisilbi itong pundasyon ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang.
Sa mga isyung pamprinsipyo na may kinalaman sa pundamental na esensya ng relasyon ng kapuwa panig, maliwanag ang bottom line ng Mainland, matatag ang paninindigan nito, at walang anumang di-malinaw na espasyo at kompromiso, dagdag pa ng komentaryo.
Ayon sa komentaryo, sa kasalukuyan, matindi at masalimuot ang kalagayan ng Taiwan Strait, malinaw at palagian ang pangunahing patakaran at prinsipyo ng Tsina sa isyu ng Taiwan, at hindi ito magbabago sa kabila ng pagbabago ng kalagayang pulitikal ng Taiwan. Patuloy na igigiit anito ng Tsina ang pundasyong pulitikal ng "1992 Consensus," at buong tatag na tututulan ang "pagsasarili ng Taiwan." Matibay rin pangalagaan ang simulaing "Isang Tsina," at patuloy na magsikap, para mapasulong ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang, mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan, at magkasamang itatag ang community of shared destiny.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |