Havana, Cuba — Sumakay Linggo ng hapon, Setyembre 25, 2016, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Yutong Bus na iniluwas ng Tsina sa Cuba.
Yutong Bus
Napag-alamang ang Yutong Bus Co., Ltd ay isa sa mga kumpanyang Tsino na maagang pumasok sa pamilihan ng Latin America at Caribbean region. Sapul nang malawakan itong pumasok sa pamilihan ng Cuba noong 2005, lampas na sa 90% ang market share ng Yutong Bus. Ito ay naging kilalang tatak Tsino sa naturang bansa.
Sinabi ni Premyer Li na sapul nang pumasok ang Yutong Bus sa Cuba, ito ay hindi lamang nakakatulong sa konstruksyong pangkabuhayan, pagpapabuti ng kondisyong pangkomunikasyon, at pagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansang ito, kundi nakakapagpasigla sa paghanap-buhay sa lokalidad. Ito aniya ay modelo ng "pagluluwas" ng mga kagamitang Tsino. Hinimok din niya ang kaukulang namamahalang tauhan na puspusang galugarin ang mas malawak na rehiyon sa Latin America at Caribbean region, at palalimin ang mas malawak na pakikipagkooperasyon sa mga may-kinalamang bansa para sa usaping "pagluluwas" ng mga produktong Tsino.
Salin: Li Feng