Mula ika-26 hanggang ika-27 ng Setyembre, idinaos sa Xi'an ng lalawigang Sha'anxi ng Tsina ang porum ng mga media hinggil sa "Belt and Road" Initiative. Dumalo sa porum na ito ang mga kinatawan ng mga media ng Tsina, Amerika, Rusya, Timog Korea, Thailand, Pakistan, Myanmar, Ehipto, at Biyetnam.
Tinalakay ng mga kahalok ang mga isyu na kinabibilangan ng papel ng mga media sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative, kooperasyon at pag-unlad ng mga media sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative, pagpapalawak ng mga kooperasyon ng mga media, at pagkakaroon ng kaalaman sa iba't ibang uri ng media.
Sa gitna ng litrato ay si Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng China Radio International o CRI
Sa porum na ito, ipinahayag ni Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng China Radio International o CRI, na dapat itatag ng mga media ng iba't ibang bansa ang plataporma ng pagbabahaginan ng mga impormasyon para pasulungin ang mga kooperasyon sa pagpapalitan ng tauhan at pag-ulat ng mga balita.
Bukod dito, binigyang-diin niyang dapat magkasamang pasulungin ang pagtatatag ng sistema ng komunikasyong pandaigdig na makatarungan, balanse at obdyektibo.