Noong ika-14 ng Mayo, 2016, natapos at nabigyang-sertipikasyon ang aplikasyon ng trademark registration ng "Tunog sa Simula ng Programa ng Brodkast ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI)." Ito ang naging unang matagumpay na nainilistang sound trademark sa Tsina, bagay na nagpasimula sa bagong panahon sa larangan ng trademark registration ng bansa.
Ang tunog sa simula ng program ng brodkast ng CRI ay pormal na ginamit noong unang araw ng Hulyo, 1998, sa habang 40 segundo. Kinakatawan ng tunog na ito ang layunin ng CRI na "Isalaysay ang Daigdig sa Tsina, Isalaysay ang Tsina sa Daigdig, Isalaysay ang Daigdig sa Daigdig, at Palalimin ang Pag-uunawaan at Pagkakaibigan sa pagitan ng mga Mamamayang Tsino at Mamamayan ng Iba't-ibang Bansa sa Daigdig."
Salin: Li Feng