Sa pagtataguyod ng China Radio International (CRI), itinatag ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Hulyo 2016, ang College of South Asia and Southeast Asia International Communication sa kapwa Yunnan University at Yunnan Minzu University.
Sa unveiling ceremony ng naturang dalawang kolehiyo, na idinaos nang araw ring iyon sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan, sinabi ni Wang Gengnian, Director-General ng CRI, na ang pagtatatag ng mga kolehiyong ito ay mahalaga para sa pagpapahigpit ng pag-uugnayan ng Tsina at mga bansa sa Timog Asya at Timog-silangang Asya, at pagpapalakas din ng pagpapalitan ng kani-kanilang mga mamamayan. Kakatigan aniya ng CRI ang mga usapin ng naturang dalawang kolehiyo.
Salin: Liu Kai