Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-29 ng Setyembre 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagkatig ng kanyang bansa sa pamahalaan ng Pilipinas sa paglaban sa drug crime.
Sinabi ni Geng, na ang paglaban sa drug crime ay komong responsibilidad ng iba't ibang bansa ng daigdig, at buong tatag at di-nagbabago ang posisyon ng pamahalaang Tsino sa usaping ito.
Dagdag niya, nauunawaan at kinakatigan ng Tsina ang patakaran ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagbibigay-priyoridad sa paglaban sa drug crime. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipinas, na aktibong magtulungan sa pagbabawal sa ilegal na droga, at itakda ang plano ng komong aksyon hinggil dito.
Salin: Liu Kai