Sa pagtatagpo ng nina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at kanyang counterpart na si Tran Dai Quang ng Biyetnam, Huwebes, Setyembre 29, 2016, sa Hanoi, kapwa sila nanawagang lutasin ang mga hidwaan sa South China Sea (SCS) sa mapayapaang paraan.
Ayon sa pahayag ng pamahalaang Biyetnames, ipinangako ng mga lider ng dalawang bansa na pasulungin ang katatagan, kapayapaan at seguridad ng rehiyong ito.
Bukod sa isyu ng SCS, sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagpapahigpit ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at magkasamang paglaban sa terorismo, high-tek na krimen, droga, at human trafficking.