|
||||||||
|
||
Upang talakayin ang usaping ito, kasalukuyang isinasagawa ng Communication University of China ang New Media, TV and Broadcasting Technology Training Program. 21 mamamahayag mula sa mga bansang ASEAN, Nepal at Bangladesh ang dumadalo sa dalawang linggong training.
Kinatawan ng Pilipinas si Raffy Santos, Senior Reporter ng ABS-CBN. Sa panayam ng China Radio International (CRI) Filipino Service kay Santos, sinabi niyang pareho ang direksyong tinatahak ngayon ng Pilipinas at Tsina pagdating sa new media technology. Napakainteresanteng malaman aniya ang trends at norms ng ibang bansa. At bilang reporter, inaalam niya ang prosesong pinagdadaanan ng Tsina habang nagtatransisyon ito mula sa tradisyonal media tungo sa new media. Ang kaibhan lang aniya ay ang perspektibo ng mga balita.
Para kay Santos hindi dapat matigil ang isang reporter sa pagpapayaman ng kanyang kaalaman. At ang byahe sa Tsina ay nakatulong na mas maintindihan niya ang pananaw ng Tsina sa mundo at kung paano nito tinitingnan ang ibang bansa, dahil anang reporter, mas collective ang mentality ng Tsina.
Ngayon kung makikinig siya ng mga balita mula sa Tsina o may pahayag ang pamahalaan mas mauunawaan niya ito. At ang bagong perspektibo niya hinggil sa Tsina ay makakatulong para sa mas mabuting pagbabalita.
Habang nasa Tsina, bagong karanasan para kay Santos ang manood ng balita na di puro patayan ang laman. Magaan aniya ito sa pakiramdam.
Ang training ay nagsimula noong 21 Setyembre at magpapatuloy ang mga talakayan ng mga dayuhan at Tsinong media professionals hanggang 30 Setyembre, 2016.
Mga kalahok sa training program habang nakikinig sa pagpapakilala ni Jade Xian, Director ng CRI Filipino Service sa China Radio International
Si Raffy Santos habang kinakapanayam ni Mac Ramos sa loob ng istudyo ng CRI Filipino Service
Ipinakikilala ni Vera ang website ng CRI Filipino Service at ang iba't ibang new media platforms na ginagamit nito para maabot ang mas maraming tagasubaybay na Pilipino
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Ernest Wang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |