Ipinahayag Setyembre 28, 2016 ni Christine Lagarde, Direktor Heneral ng International Monetary Fund(IMF), na sa kabila ng pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, nananatili pa ring masigla at optimistiko ang kalagayang pangkabuhayan sa mga umuunlad na bansa. Sila aniya'y nagsisilbing mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Lagarde na bilang kinatawan ng mga umuunlad na bansa, naisakatuparan ng Tsina ang mabilisang pag-unlad ng pambansang kabuhayan, habang isinasagawa nito ang pagsasa-ayos sa estrukturang pangkabuhayan.
Binigyang-diin din ni Lagarde ang kahalagahan ng pagtutol sa trade protectionism.