Iniharap Oktubre 3, 2016 ng Unyong Europeo (EU) sa komunidad ng daigdig ang mungkahi ng pangkagipitang makataong aksyon sa Aleppo, Syria, para magbigay-tulong sa mga sibilyan sa lokalidad.
Ayon sa nasabing mungkahi, unang layunin nito ay maigarantiya ang pagdating ng mga kagamitang medikal at gamot, tubig at pagkain sa dakong silangan ng Aleppo; ika-2, maigarantiya ang paglikas ng mga nasugatan at may sakit, lalu-lalo na mga babae, bata at matatanda. Nanawagan din ang EU sa iba't ibang panig na bigyan ng pagkakataon ang pagsasakatuparan nito.
salin:wle