Sa pakikipagtagpo noong Linggo, Hulyo 10, 2016 sa dumadalaw na delegasyon ng Parliamento ng Europa, ipinahayag ni Pangulo Bashar al-Assad ng Syria, na dapat isabalikat ng mga bansang kanluranin ang responsibilidad sa lumulubhang kalagayan ng mga teroristikong pag-atake at refugee sa Europa.
Sinabi pa ng Pangulong Syrian, na lumalakas ang sandatahang lakas ng oposisyon at mga ekstrimistang grupo sa Syria, batay sa tulong mula sa mga bansang kanluranin. Sila aniya ang ugat ng kaligaligan ng bansa.
Aniya, nananatiling mahirap ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Syria, dahil sa sanksyong ipinapataw ng mga bansang kanluranin, at ito rin ang dahilan kung bakit tumatakas sila tungo sa ibang bansa. Umaasa aniya siyang gaganap ng konstruktibong papel ang mga kongresistang Europeo para itakwil ang maling patakarang isinasagawa ng kanilang mga bansa sa Syria.
Ipinahayag naman ng mga miyembro ng delegasyon na kukuha sila ng mga pinakasariwa at tunay na impormasyon tungkol sa Syria sa biyaheng ito. Nakahanda anila silang magsikap para maisaayos ang isinasagawang patakaran ng Europa sa Syria, para pasulungin ang pag-alis ng sanksyon sa bansa.