Ipinatalastas Oktubre 3, 2016 ng Amerika na itigil nito ang talastasan sa Rusya hinggil sa isyu ng tigil-putukan sa Syria, at isasaisang-tabi rin ang plano ng magkasamang pagbibigay-dagok sa mga terorista.
Nang araw ring iyon, ipinalabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang isang pahayag na pumuna sa Rusya dahil sa hindi nito pagsunod sa pangako ng kasunduan ng tigil-putukan sa Syria.
Tungkol dito, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Rusya na tinalikuran ng Amerika ang pananagutan ng paglala ng kalagayan ng Syria at ibinaling ang sisi sa Rusya.