Sa pamamagitan ng pagboto, pinaboran kahapon, Martes, ika-4 ng Oktubre 2016, ng European Parliament ang pag-aaproba ng Unyong Europeo (EU) sa Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima.
Ito ay palatandaang natapos ang prosidyur na pambatas ng pag-aaproba ng EU, bilang kabuuan, sa Paris Agreement. Nauna rito, nagkaisa naman ng palagay ang mga ministro ng kapaligiran ng lahat ng 28 kasaping bansa ng EU, hinggil sa pagpapabilis ng pag-aaproba ng kani-kanilang bansa sa naturang kasunduan.
Salamat sa pagsisikap na ito ng EU, may pag-asang magkakabisa ang Paris Agreement, bago ang katapusan ng taong ito.
Salin: Liu Kai