Idaraos kahapon, Biyernes, ika-22 ng Abril 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations sa New York, ang seremonya sa mataas na antas para sa paglalagda ng Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima.
Pagkatapos ng seremonyang ito, ipinatalastas ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, na lumagda na sa naturang kasunduan ang 175 bansa. Hinimok din niya ang iba't ibang bansa na pabilisin ang legal na prosidyur hinggil sa Paris Agreement, para pasulungin sa lalong madaling panahon ang pagkabisa nito.
Ang Paris Agreement ay pinagtibay noong ika-12 ng Disyembre ng nagdaang taon sa UN Climate Change Conference sa Paris, Pransya. Mula kahapon hanggang ika-21 ng Abril ng susunod na taon, bukas ang kasunduang ito para sa paglalagda ng mga bansa ng daigdig.
Salin: Liu Kai