Ipinahayag kamakailan ni Xie Feng, Embahador Tsino sa Indonesia, na sapul nang iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang munkahi ng konstruksyon ng "21st Century Maritime Silk Road" noong 2013, pinasusulong ng dalawang bansa ang pag-uugnayan sa mga patakaran, pagpapadali ng proseso ng mga negosyo, kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at pagpapalagayan ng kanilang mga mamamayan. Ito aniya ay nagdudulot ng mga aktuwal na kapakanan para sa dalawang panig.
Sinabi ni Xie na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Indonesia at pinakamalaking bansang pinagluluwasan ng bansang ito. Samantala, ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking bansang namumuhunan sa Indonesia.
Noong unang hati ng taong 2016, ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsino sa Indonesia ay lumampas sa 830,000 person-time at dahil dito, ang Tsina ay naging pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga turista ng Indonesia.