Sa Washington D.C., Amerika—Ipinahayag dito Biyernes, Oktubre 7, 2016, ni Zhou Xiaochuan, Puno ng People's Bank of China (PBC), na pinasusulong ng Tsina ang inclusive financial system, upang mabawasan ang karalitaan.
Nang araw ring iyon, dumalo si Zhou sa isang simposiyum ng taunang pulong ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB), hinggil sa inclusive financial. Sinabi niyang pinahahalagahan ng kanyang bansa ang isyung ito, at pinag-aaralan ang mga may-kinalamang karanasan ng mga umuunlad na bansa na gaya ng India at Indonesia.