Sa katatapos na pulong sa mataas na antas para sa pagpawi sa kahirapan at pag-unlad, ipinahayag ni Pangulong Xi jinping ng Tsina na hanggang sa taong 2020, mapapawi ang 70 milyong mahirap na populasyon at makaka-enjoy sila ng saligang serbisyong pampubliko.
Ang mga target ng nasabing gawain ay kinabibilangan ng paggarantiya ng mga kahirapan sa pagkaroon ng sapat na pagkain at damit, kompulsaryong edukasyon, serbisyong pangkalusugan at pabahay.
Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Xi na dapat isagawa ang mga katugong hakbangin batay sa aktuwal na kalagayan ng mga mahirap na lugar at populasyon, na gaya ng pagtuturo ng mga kahusayan sa mga mahihirap, paglilipat ng mga mahihirap sa ibang lugar, pagbibigay ng mga subsidy, at pagkaloob ng mas maraming serbisyong pampubliko sa kalusugan, edukasyon at pag-aasikaso sa mga matatanda.
Bukod dito, binigyang-diin ni Xi na dapat ilaan ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang mas maraming pondo para rito at ilagay sa napakahalagang puwesto ang gawaing pagpawi sa kahirapan.