Ipinatalastas Lunes, Oktubre 10, 2016, ng sangay ng Development Bank of Singapore (DBS) sa China ang pagtanggap ng mahigit 250 mIn US dollar na puhunan mula sa DBS, parent company nito.
Kaugnay nito, sinabi ni Neil Ge, Chief Executive Officer ng DBS China na makakatulong ang ibinuhos na pondo mula sa parent company sa pagpapalawak ng bagong serbisyong pinansyal ng bangko sa pamilihang Tsino. Idinagdag pa niyang ang nasabing operasyon ng DBS ay nagpapakita rin ng kompiyansa nito sa pamilihang Tsino.
Bilang nangungunang institusyong pinansyal sa Asya, ang DBS ay may mahigit 280 sangay sa 18 pamilihan. Ang DBS China ay itinatag noong 2007.
Salin: Jade
Pulido: Rhio