Kinatagpo Oktubre 11, 2016, sa Beijing ni Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina ang kanyang mga dayuhang counterpart sa 7th Xiangshan Forum, na kinabibilangan nina Ministrong Pandepensa Tea Banh ng Kambodya at Pangalawang Ministrong Pandepensa Anatoly Antonov ng Rusya.
Ipinahayag ni Chang na ang matatag at mapayapang kapaligirang panrehiyon at pandaigdig ay makakatulong sa pag-unlad ng Tsina. Samantala, makikinabang din ang ibat-ibang bansa mula sa pag-unlad ng Tsina, aniya pa.
Ipinahayag naman ng mga kinatawang Kambodyano at Ruso na positibo sila sa mahalagang papel ng Xiangshan Forum sa pagpapasulong ng diyalogo at pagtutulungan sa larangang pandepensa at panseguridad ng rehiyon. Umaasa anila silang pahihigpitin ng mga may-kinalamang panig ang koordinasyon para magkasamang harapin ang ibat-ibang hamon, mula sa larangang panseguridad.