Binuksan Oktubre 10, 2016, sa Beijing ang tatlong araw na 7th Xiangshan Forum. Dumalo sa pagtitipon ang mga 400 kinatawan mula sa 59 na bansa at 6 na organisasyong pandaigdig.
Ang tema ng kasalukuyang porum ay: "Pagpapahigpit ng Diyalogong Panseguridad at Pangkooperasyon, Pagtatatag ng Bagong Relasyong Pandaigdig."
Ipinahayag ni Sun Jianguo, Puno ng China Institute for International Strategic Studies, na bilang mataas na platapormang pandiyalogo ng rehiyong Asya-Pasipiko sa larangang panseguridad at pandepensa, ang di-nagbabagong hangarin ay ang pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig, at pagpapasulong ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Ang naturang porum ay ipinangalan sa Xiang Shan na ang ibig sabihin ay "Fragrant Mountain" sa Beijing, kung saan idinaraos ang porum.