Binuksan kahapon, Oktubre 11, 2016, ang Xiangshan Forum sa Beijing, at dumalo rito si Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Chang na sa kasalukuyan, may mahigpit na kaugnayan ang seguridad ng iba't ibang bansa. Dapat aniyang itakwil ang ideya ng Cold War, at itatag ang komon, komprenhensibo, kooperatibo at sustenableng konseptong panseguridad. Dapat ding igiit ang multilateralismo, at lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo, aniya pa.
salin:Le