|
||||||||
|
||
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (sa kaliwa) at Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia (sa kanan)
Phnom Penh — Nakausap Huwebes, Oktubre 13, 2016, ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia ang dumadalaw na Pangulong Tsino na si Xi Jinping.
Sa pag-uusap, lubos na pinapurihan ng dalawang lider ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Kambodyano. Malaliman din silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong partnership sa bagong kalagayan at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan. Narating din ng dalawang panig ang malawakang komong palagay.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na palagiang pinahahalagahan ng panig Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Cambodia. Nakahanda aniya ang Tsina na walang humpay na payamanin ang nilalaman ng naturang partnership upang makapaghatid ng mas maraming aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Hun Sen ang kahandaan ng panig Kambodyano na magsikap kasama ng panig Tsino, para mapalakas ang pagkakaibigang Kambodyano-Sino, at mapalalim ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Pagkaraan ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |