Oktubre 13, 2016, Phnom Penh—Kinatagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya.
Sinabi ni Xi na laging pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagkaibigan nito sa Kambodya. Handa aniya ang Tsina na matatag na pasulungin ang relasyon at palalimin ang komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Haring Norodom Sihamoni ang pasasalamat sa pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Kambodya. Nasisiyahan din aniya siya sa ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangang pulitikal, kabuhayan at kultura.
salin:le