Dhaka — Sa kanyang pakikipag-usap nitong Biyernes, Oktubre 14, 2016, kay Pangulong Abdulla Hameed ng Bangladesh, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 41 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Bangladesh, maalwang umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa kanilang mga mamamayan. Hinahangaan din aniya ng Tsina ang ibinibigay na pagkatig ng Bangladesh sa Tsina sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong interes ng bansa, at kinakatigan nito ang ginagawang pagsisikap ng Bangladesh para sa pangangalaga sa pagsasarili, soberanya, at pagsasakatuparan ng katatagan at kaunlaran ng bansa.
Ipinagdiinan din ni Pangulong Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyon ng Tsina at Bangladesh ang mahalagang pagkakataon. Sa panahon ng kanyang pagdalaw, ipinasiya ng dalawang panig na itaas ang nasabing relasyon sa estratehiko at kooperatibong partnership, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Hameed na malalim ang pagkakaibigan ng Bangladesh at Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na patuloy na katigan ng dalawang bansa ang isa't-isa sa mga isyung may-kinalaman sa kani-kanilang nukleong interes.
Salin: Li Feng